CLARIFICATION

Hayaan n’yo po akong linawin ito upang mabura ang anumang alarma o hinala sa isip ng mga kababayan natin.

Kaninang umaga, mayroon pong article na lumabas, which said:

“Data from the Department of Budget and Management showed that the P1 billion in national disaster risk reduction management fund or calamity fund released by the Marcos administration went solely to the Department of Public Works and Highways.

In its first month in office, the Marcos administration spent P1 billion of the P13.7-billion remaining calamity fund.”

Dahil dito, mayroon pong mga naglabasang tanong gaya ng: Mayroon po bang dapat na ikabahala? Bakit DPWH lang? Mayroon bang kinikilingan o pinapaboran?

Ang sagot— Wala po.

Ganito kasi ‘yan.

Ayon sa batas, o sa General Appropriations Act (GAA) 2022, nilaanan ang mga sumusunod na first responder agencies ng Quick Response Funds (QRFs) sa kani-kanilang mga budget:

Department of Agriculture – Php 1 billion
DepEd – Php 2 billion
DOH – Php 500 million
DILG (Bureau of Fire Protection) – Php 50 million
DILG (Philippine National Police) – Php 50 million
DND (Office of Civil Defense) – Php 500 million
DPWH – Php 1 billion
DSWD – Php 1.25 billion

Ang QRF po ay ginagamit para sa reconstruction, rehabilitation o repair ng mga nasirang kalsada, tulay, building, etc. matapos ang kalamidad. Ginagamit din ito sa pagbibigay ng agarang tulong at relief sa ating mga kababayan, o kaya naman sa paghahanda sa pagdating ng mga natural disasters.

Ayon sa batas, kapag umabot na lamang sa 50% (or lower) ang level ng QRF ng isang ahensya, ito ay maaari nang mag-request ng replenishment sa DBM.

Ang QRF po ng DPWH ay nasaid na dahil sa mga nakaraang kalamidad, kaya naman po sila ay nag-request ng replenishment sa DBM, na siya namang inaprubahan ng DBM noon pong July 12, 2022.

Ang QRF po ay mahalagang aspeto ng pondo na nagbibigay kapasidad sa mga ahensya ng gobyerno na agarang maka-responde sa mga kalamidad. Kaya naman importante po na palagiang masiguro ng gobyerno na mayroong nakatabing pondo para rito.

Imagine, kung hindi na-replenish ‘yan at biglang lumindol, hindi ba’t mas mahihirapang kumilos, rumesponde at magbigay ng agarang tulong ang gobyerno?

Sana po ay malinaw ito sa lahat. Wala pong anomalya, o anumang rason para maalarma ang ating mga kababayan ukol dito.

Maraming salamat.

Posted by Godess Libiran

Photo from News5 Social Media as grabbed by Godess Libiran